Pages

Saturday, October 27, 2012

When is a GOOD FIND a GOOD BUY? (The Divisoria Chronicles)


DIVISORIA --- a Haven for shoppers with a tight budget; of retailers who purchase merchandise in whole sale; of "Holdappers" who will take good care of your mobile phones, iPods and wallet malingat ka lang ng kaunti... Marami na din akong narinig na pangalan ng Divisoria mula sa mga kaibigan kong beckys (Divine Mercy, Divinity, DeeeyVeee at kung ano-ano pa) Bago magpunta sa Divisoria, may ilang paalala lang na kailangan isa-isip at isa-puso pa kung ayaw mong maglumpasay sa gitna ng daan pag na-realize mo na ikaw pala'y nanakawan na...

1. Bawal maarte doon --- Kinakailangan pag ikaw ay napadayo sa Divisoria siguraduhing nakabihis pambahay ka lang (tulad ng simpleng tshirt na may butas sa kili-kili o di kaya shorts na may tastas at siyempre, ang ever reliable na tsinelas; kung gusto mo mag Havaianas pwede din pero ingat-ingat lang at baka masira ng di oras kapag ikaw ay napasama sa stampede na magaganap habang naglalakad mula Divisoria Mall patungong 168 Mall)

2. Siguraduhing barya at hindi buo ang dala... As much as possible, wag magdadala ng limpak-limpak na tig iisang libo --- malamang pag ito'y nakita ng mga holdappers, ikaw ay pagpipiyestahan...Siguardihin ding may pera sa bulsa at may pera sa body bag para manakaw man ang isa, meron ka pa din natitirang pera kasi kung hindi iiyak ka nalang habang naglalakad pauwi.

3. Maging Alerto --- Sa Divisoria, BAWAL ang TANGA... Kailangan bantay sarado ang dala mo (mapa BAG man o plastik lang) dahil naglipana ang mga kawatan... Maigi ng maging mapagmatyag at ng hindi magsisi sa huli...

4. Matutong maki-PAGTAWARAN --- Laging isipin na ang nakapaskil na "150, TAPAT na po" ay pwede mo pang tawaran lalong lalo na kapag bulto-bulto ang iyong bibilhin...Huwag mahiyang tumawad sa tindera (karamihan sa kanila mga Bisaya) o di kaya marunong makipag chikahan sa may-ari (mapa Taiwanese, Koreano o Chinese) 

5. Maging HANDA --- Ang pagpunta sa Divisoria ay isang mahaba-habang lakaran kaya ihanda ang sarili sa "buwis-buhay" na araw... Magsuot ng kumportableng tsinelas o di kaya ay rubber shoes... Siguraduhing alam kung saan ang sakayan at baka ma "denggoy" ka ng mga mapagsamantalang driver ng "kuliglig" o "padyak"....

Marami din ang nagsabi na kapag gusto mo ng "value for your money" isa lang ang solusyon diyan "DIVISORIA"...Pero sa kabila nyan, may tanong pa ding namumuo sa aking isipan --- "When is a Good Find a Good Buy?" Sa aking pagpunta kahapon, ang tanging dala ko sa aking bulsa ay PHP 2,000. Tingnan natin kung ano ang mga nabili ko sa kakarampot na halagang iyun...


Circa 60's- 70's back ! Retro Pants for PHP 300

Navy Style Blouse for PHP 200

See Through Poncho for PHP 220

Aeropostale Cotton Shirt for PHP 180

Polka Dot Top for PHP 220

Yellow Ballet Flats for PHP 250

Foldable and Re-usable Bag for PHP 50

Angry Bird Jelly Case and Tango Tangerine Jelly Case for PHP 160 (silang dalawa na!)

                                







Simula ng na-realize ko na BABAE pala ako, naging addiction ko na ang pagbili ng damit at sapatos...Sa ngayon, hindi pa rin ako kontento sa 60+ pairs ng sapatos na mayroon ako...Sinisikap ko pa rin na madagdagan ito kada sweldo..."Talk about being Imeldefic" ...Ako kasi ay naniniwala na lahat ng tao ay may kanya-kanyang sikreto sa fashion... Hindi ako yung tipo ng tao na "BRAND-CONSCIOUS" kasi para sa akin, aanhin ko naman ang branded kung hindi naman bagay sa akin? Makes sense di ba? Hindi porke't branded ang damit eh fashionista ka na...Marami akong kilala na ganun pero ang ending imbes na maging "fashion vixen" nagiging "fashion victim"...Ang pagiging fashionista ay nagmumula sa sarili hindi sa pangungopya ng iba...Matuto tayong magkaroon ng "own sense of fashion" at hindi yung nakikiuso lang...Ano ang gugustuhin mo? Ang maging katawa-tawa kakasunod sa mga latest trends o maging kaaya-aya sa iyong own fashion statement? AKO, kahit galing lang sa Divisoria, ang importante, kumportable ako at kaya kong paninindigan ang pagdadala ng nito...

Para din sa akin, bilang isang babae, kailangan may "shoes for all seasons" tayo...Mayroong pang mall, pang date, pang party, pang sporty-look, pang office, pang beach-outing...A shoe defines what kind of personality you have and what type of woman you are...Nalaman ko na kung "pandak" ka, hindi babagay ang naka "wedge" kasi mas lalong na eemphasize na maliit ka...Dapat daw, "killer-stilletos"...Pero kahit ganun pa man, basta kumportable ka, ok na yun...Hindi ko sinasabi na "Fashionista" ako kasi in the first place, wala pa naman akong napapatunayan...Ang sa akin lang, kung gusto natin maging fashionista, we should make sure na kaya nating panindigan ito at siguraduhin na bago umalis ng bahay, perfect match ang suot...Fashion is not defined by what brand of dress you're wearing, or how costly your make up or shoes or bag is...Ang kailangan lang, CONFIDENT ka sa sarili mo para hindi ka naman magmukhang "ENG-ENG"...A woman's greatest fashion style is the smile she is wearing and the confidence she's oozing...

Therefore, for me a GOOD FIND is a GOOD BUY kapag sa Divisoria mo binili! (Echos lang!LOL:D) It will be a good buy kapag alam mo sa sarili mo na yung pera na ipinambili mo ng damit, sapatos, bag, accessories at kung ano-ano pa ay hindi masasayang...Siguraduhing magagamit mo ito, hindi lang once kungdi sa kahit anong oras, panahon at lugar...To all GIRLS out there, don't try too hard to become a "fashionista"...We are born UNIQUE; STOP BEING A COPYCAT...It does not do good to dwell on things that make you look different from what you really are...Be YOURSELF, that's what being FASHIONISTA is all about...

No comments:

Post a Comment