Pages

Saturday, October 27, 2012

DORA Chronicles : It's MORE FUN in the PHILIPPINES





Akala ko isa lang ito sa mga araw at gabi na wala na naman akong magawa sa bahay pagkarating galing opisina...Akala ko lang pala...Pero habang nag aantay ako na mag load ang na download na movie galing sa isang di kilalang website, napatingin ako sa isang video na pinost ng isa sa aking mga kaibigan sa Facebook... Sa mga nakalipas na araw, simula noong ilunsad ang bagong programa ng Department of Tourism, hindi na natahimik ang aking GALANG kaluluwa... Dati pa'y sinusubaybayan ko na ang programang nagpapakita ng kagandahan ng Pilipinas --- simula sa mga famous lines na ito : "WOW! Philippines!" hanggang sa "Tara na, Biyahe Tayo" hanggang sa kasalukuyang "It's more FUN in the Philippines". Marami bagamat sa atin ang hindi pa nasisilayan ang kagandan ng ating Lupang Sinilangan... Hanggang PANAGINIP nalang ba ang pagtuklas sa likha ng kalikasan?


Dati, noong bata pa ako, nangarap ako na makapaglibot sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas... At ngayong matanda na ako (aamin na ako) at sinuwerteng nakapag trabaho, unti-unti kong tinutupad ang pangarap na iyon... Mayroong ibang tao na nagsasabi na "NAPAKAGALA" ko daw...Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko na ang PAGLALAKBAY sa iba't-ibang lugar ang tanging KALIGAYAHAN na hindi ko pwedeng iwaglit ng ganuon na lamang... Siguro nga, nung ipinanganak ako ng aking butihing ina ay binasbasan ako ng "isang MILYONG nunal sa paa"...Sa dami ng lugar na aking nalakbay at napuntahan, masasabi kong "THE BEST" ang Pilipinas...Nabahiran man ito ng dumi at basura sa pulitika, hindi pa rin natin maikakaila na ang Perlas ng Silangan ang isa sa mga bansa sa Asya na biniyayaan ng Inang Kalikasan ng dalisay na kagandahan --- mapa Dagat man, Bundok, Talampas, Talon, Ilog at kung ano ano pa...


Nakakapanlumong isipin na ilan sa atin ang gugustuhin pang maglakbay sa ibang bansa kaysa sa purihin at suyurin ang kagandahan ng pitong libo't isang daan at pitong isla ng Pilipinas...Sana suportahan natin ang gobyerno sa pagpapaunlad ng TURISMO sa ating nayon...Simpleng bagay lang ang kailangan gawin: Simulan na natin ang biyahe sa Las Islas Filipinas...


Habang pinapanood ko ang video na ito, hindi ko mapigilan ang pagtayo ng aking mga balahibo sa katawan --- bigla akong NAPA-ISIP; ano kaya ang magagawa ko para makatulong man lang? Isa lang ang sagot na alam ko: Simula sa taong ito, dodoblehin ko ang mga lugar na pupuntahan ko at iyun ay dito mismo sa lugar na aking sinilangan... Kaya ihahanda ko na ang aking bulsa sa mga darating na gastos at alam ko hindi ako iiwanan ng Poong Maykapal sa aking paglalakbay...Kaya nga ibinigay nya ang Cebu Pacific at Air Philippines na aking magiging katuwang sa paghahanap ng "Piso Fare" at "Seat Sale" sa mga darating pang araw...Kaya ano pa ang hinihintay natin mga kabisyo? TARA NA, BIYAHE tayo kasi It's MORE FUN in the PHILIPPINES... 

















































P.S. ang ilan sa mga larawang ito ay mga larawang kupas na nakuha ko sa mga lugar na napuntahan ko na --- TANGING ALA-ALA ng isang PANGARAP na pinipilit ko pa ring matupad hanggang sa ngayon...

No comments:

Post a Comment